Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa
Mga Akda sa Kontemporaneong Panahon / Makabagong Panahon
(a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (persona, sukat at tugma, talinghaga at estilo) at detalye (paksa,
nilalaman at kaisipan) ng tula
(b) Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang diwa/ imahen sa tula
(c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan ng
tao
(d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tula) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda.
(e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (sukat, tugma,tono at talinghaga) ng tula
(f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto
batay sa konteksto ng panahon.
(a) Natutukoy ang mahahalagang elemento (tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian) at detalye sa tuluyan
(b) Naipaliliwanag ang banghay (gaya ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari; pagyuyugto ng mga pangyayari
(foreshadowing), pagkakahanay ng mga pangyayari (parallelism and simultaneity), at pagbabalik-tanaw sa mga
pangyayari (in medias res), mensahe, pahiwatig at kaisipan sa binasang tuluyan.
(c) Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian at karanasan
ng tao
(d) Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto (tuluyan) batay sa konteksto ng panahon, lunan at may-akda
(e) Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika (bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, estilo) ng
tuluyan
(f) Nasusuri ang kultural na elemento (simbolo, wika, norms, pagpapahalaga at arketipo) na nakapaloob sa teksto
batay sa konteksto ng panahon